13th month pension, matatanggap na ng SSS pensioners sa susunod na linggo

By Rhommel Balasbas November 24, 2018 - 04:27 AM


INQUIRER File Photo / GRIG C. MONTEGRANDE

Makatatanggap na ang pensioners ng Social Security System (SSS) ng kanilang 13th month pension mula sa susunod na linggo.

Mula sa November 29, araw ng Huwebes ay matatanggap na ng pensioners ang kanilang 13th month bonus na katumbas ng kanilang buwanang pensiyon.

Ayon sa SSS, naglaan sila ng P22 bilyon para sa bonus na ito ng kanilang 2.4 milyong pensioners.

Sa ngayon ay matatag pa umano ang pananalapi ng SSS ngunit mas mataas na ang kanilang ibinibigay na pensiyon kaysa sa kanilang natatanggap na kontrobisyon.

Sa katunayan anila ay mula Enero hanggang Setyembre 2018 ay P134 bilyon na ang perang inilabas ng SSS para sa pensioners habang ang nakolektang kontribusyon ay umabot lamang sa P127 bilyon.

Resulta ito ng pagdagdag ng P1000 sa ibinibigay na pensiyon mula noong Enero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.