Deployment ng Navy sa Scarborough, hindi itinuloy para hindi sumama ang loob ng China

By Len Montaño November 24, 2018 - 01:21 AM

Ibinunyag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na binawi niya ang planong pagtalaga ngPhilippine Navy contingent sa Scarborough Shoal noong July 2016 kasunod ng paborableng ruling ng United Nations Permanent Court of Arbitration na napapawalang bisa sa pag-angkin ng China sa South China Sea.

Ayon kay Lorenzana, nagdesisyon siyang huwag ituloy ang deployment ng tropa ng gobyerno matapos magsabi noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gabinete na huwag pasamain ang loob ng China.

Sa forum ukol sa maritime disputes sa South China Sea, sinabi ng Kalihim na pinag-isipan niyang magpadala ng mga miyembro ng Navy sa Scarborough Shoal dahil sa panalo ng Pilipinas sa kaso laban sa China sa naturang UN-court na naka-base sa The Hague.

Isang linggo anya bago ang ruling ay sinabihan siya ni US Defense Sec. Robert Gates na paborable sa Pilipinas ang lalabas na desisyon ng UN kaya sinabihan niya ang Phil. Navy sa posibleng pagpapadala ng maliit na pwersa sa Scarborough Shoal.

Nasa pulong anya sila nang ianunsyo ang desisyon at sinabihan sila ng Pangulo na huwag silang masyadong magdiwang dahil baka maka-offend ito sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.