MO no. 32 ng PRRD, paghahanda ng deklarasyon ng martial law sa buong bansa – Joma Sison

By Isa Avendaño-Umali November 23, 2018 - 11:08 PM

Naniniwala si National Democratic Front of the Philippines o NDFP chief political consultant Jose Maria Sison na paghahanda para sa pormal na proklamasyon ng martial law sa buong bansa ang Memorandum Order no. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa MO no. 32 na kailangang magdagdag ng pwersa ang AFP at PNP sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region para hindi na madagdagan pa ang mga mabibiktima ng karahasan.

Sa kanyang statement, sinabi ni Sison na maituturing ang MO no. 32 na deklarasyon ng isang national emergency. Panimula rin aniya ito ng pagsira sa 2019 elections, pagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha para sa umano’y bogus federalism at pagkakaroon ng mala-Marcos na diktadurya.

Ayon kay Sison, ang “lawless violence” na nangyayari ngayon sa Pilipinas ay monopolya umano ng AFP at PNP.

At mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang lumikha ang lawless violence sa ilalim ng Oplan Tokhang at Oplan Kapayapaan, para sa mas brutal na military at police operations at upang mabigyang-katwiran ang martial law sa buong bansa.

Dagdag ni Sison, ang MO no. 32 ni Duterte ay tila pag-amin na malakas ang New People’s Army, hindi lamang sa Mindanao kundi sa iba pang parte ng bansa, taliwas sa sinasabi ng AFP at PNP na nalalapit na ang katapusan ng rebeldeng grupo.

Tiniyak naman ni Sison na ang NPA ay maglulunsad ng dagdag na tactical offensives sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.