Apela ng DOJ at Sen. Trillanes sa Makati RTC branch 148, kapwa ibinasura

By Isa Avendaño-Umali November 23, 2018 - 09:21 PM

 

Ibinasura ng Makati Regional Trial Court branch 148 ang motions for partial reconsideration na magkahiwalay na inihain ng Department of Justice o DOJ at Senador Antonio Trillanes IV.

Sa joint order na inilabas ni Presiding Judge Andres Bartolome Soriano, “denied” ang mosyon ng DOJ na nagpapabaligtad sa unang desisyon ng korte ukol sa mosyon ng ahensya na maglabas ng arrest warrant laban kay Trillanes.

Ibig sabihin, pinaninidigan ni Soriano na ang pasyang huwag mag-isyu ng warrant of arrest laban sa senador.

Tinanggihan din ng korte ang mosyon ni Trillanes na baligtarin ang October 22 ruling, na nagsasabing legal o constitutional ang Presidential Proclamation 572.

Photo credit: Tetch Torres-Tupas / Inq.net

Ang naturang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbabawi sa amnestiya kay Trillanes.

Ayon sa korte, “mere rehash” ang mga argumento ng dalawang panig.

Bilang reaksyon sa desisyon ng korte, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na kanyang kakausapin si Solicitor General Jose Calida para sa susunod nilang legal strategy.

Pero paglilinaw ni Gueverra, hindi pa “end of the saga” at patuloy ang kanilang laban kontra kay Trillanes.

 

TAGS: Antonio Trillanes IV, department of justice, Makati RTC Branch 148, Solicitor General Jose Calida, Antonio Trillanes IV, department of justice, Makati RTC Branch 148, Solicitor General Jose Calida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.