Iba’t ibang artworks, tampok sa “Assorted Arts, Events for a Cause”
Tampok sa isang event ang mga likha ng mga artists mula sa magkaka-ibang background at discipline.
Isa sa mga tampok sa “Assorted Arts, Events for a Cause” ang mga artworks o paintings ng News Director ng Radyo Inquirer/Inquirer 990 TV na si Arlyn Dela Cruz-Bernal.
Isa si Dela Cruz-Bernal sa mga artists na nag-boluntaryong suportahan ang layon ng event sa pamamagitan ng kanyang mga likha.
Isang matapang na hakbang para kay Dela Cruz-Bernal ang pagsubok sa isang bagong gawain.
Bukod sa kanyang tapang sa pagsusulat ng mga istorya at paggawa ng mga pelikula, ipinamalas na rin ni Dela Cruz-Bernal ang galing nito sa art partikular sa pagpipinta.
Bilang emerging artist, sinubukan nito ang maraming medium at nalaman nito na maraming posibilidad mula sa field ng painting.
Ang iba pang artists na tampok sa “Assorted Arts, Events for a Cause” ay sina Jestel Angela Canlas, Jenny Carvajal, John Francis Andres, Angieline Serida, Myra Gabarda, at Cesar Llamas.
Ang displayed artworks ni Dela Cruz-Bernal at ng iba pang artists ay ibebenta sa Vibers Bar and Resto sa Leveriza St.,Pasay City bukas November 24 simula alas 7:00 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.