Typhoon Man-Yi patuloy na kumikilos palapit ng bansa

Patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhooon Man-Yi.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 1,255 kilometers East ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong Northwest.

Papasok sa bansa ang Typhoon Man-Yi at papangalanang Tomas mamayang gabi o bukas ng umaga.

Hindi naman ito inaasahang makaaapekto ng direkta sa bansa.

Read more...