Group chat ng umano ay mga miyembro ng UP fraternity kumalat sa social media

INQUIRER.net File Photo

Nalantad sa social media ang umano ay group chat ng mga miyembro ng fraternity ng University of the Philippines (UP).

Sa kumalat na kopya ng group chat, sangkot ang mga miyembro ng Upsilon Sigma Phi na may chapter sa UP Diliman, UP Manila at UP Los Baños.

Hindi maganda ang nilalaman ng mga chat na kumalat sa Facebook at Twiter.

Naglalaman kasi ng mga mga sexist, racist, at anti-poor na usapan ang kumalat na chat.

Dahil sa pagkalat ng nilalaman ng group chat, kinokondena ngayon ng marami kasama ang UP community ang mga miyembro ng naturang fraternity.

Kasama sa kumalat na bahagi ng chat ang pang-iinsulto sa ilang babaeng pulitiko kabilang na si dating Pangulong Cory Aquino na ang asawang si Ninoy ay isang Upsilonian, gayundin si Senator Risa Hontiveros.

May mga pahayag pa sa chat kung saan sinasabing ang mga babae ay pang-kwarto lang at pang-kusina lang.

Naging bahagi din ng chat kung saan pinagtatawanan nila ang pagsakay sa jeep na anila ay pang mahirap lang.

Read more...