Founder ng Metrobank na si George Ty, pumanaw na

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Business November 23, 2018 - 05:46 PM

Pumanaw na ang banking at automotive tycoon na si Goerge Ty.

Ilang buwan ring nilabanan ni Ty ang sakit na pancreatic cancer.

Bago pamahalaan ang Metrobank, pinamunuan noon ni Ty ang Wellington Flour na negosyo ng kaniyang ama.

At dahil naranasan ni Ty ang hirap ng isang negosyante bago makakuha ng loan sa bangko ay nagpasya siyang magtayo ng sariling bangko.

Taong 1961 nang makakuha siya ng lisensya para mabuksan ang unang Metrobank branch sa Binondo.

Sa ngayon, kabilang na ang Metrobank sa pinakamalalaking bangko sa banas na mayroong total asset na mahigit P2 Trillion.

TAGS: BUsiness, George Ty, Metrobank, BUsiness, George Ty, Metrobank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.