MO 32 ng Malakanyang suportado ng AFP

Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang pasya ng Malakanyang na dagdagan ang presensya ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na nakapagtatala ng mga karahasan.

Ayon kay AFP Spokesperson Edgard Arevalo tatalakayin pa ng armed forces ang usapin para matukoy ang dami ng tropang kailangang idagdag sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.

Sinabi ni Arevalo na ang memorandum order 32 ni Pangulong Duterte ay parte ng mandato ng sandatahang lakas para protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng publiko.

Hindi pa naman natatanggap ng AFP ang opisyal na kopya ng MO.

Nakasaad sa MO na kailangang magdagdag ng pwersa ang PNP at AFP sa mga nabanggit na lugar para hindi na madagdagan pa ang mga mabibiktima ng karahasan.

Read more...