Bonus ng mga government workers, makukuha na sa kalagitnaan ng November

By Jay Dones November 11, 2015 - 04:46 AM

 

abad-butchMakakatanggap na ng kanilang mga bonus ang mga empleyado ng gobyerno simula sa kalagitnaan ng November, ayon sa Deaprtment of Budget and Management.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, simula November 15, kanilang irerelease na ang second half ng year-end bonus ng mga government employees.

Katumbas ito ng isang isang buwang sweldo ng manggagawa at ang limang libong pisong cash gift na unang ipinangako ng pamahalaan.

Sa ilalim ng 2015 budget, may nakalaang P20.95 na bilyong pisong pondo ang gobyerno para sa year-end bonus ng mga mga manggagawa sa pampublikong sektor.

Ito’y bukod pa sa P4.69 bilyon na inilaan bilang cash gift.

Kasama sa makakatanggap ng bonus ang lahat ng mga national government officials at employees na regular, temporary, casual o contractual, part-time o full time, na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan sa pagitan ng January hanggang October 31.

Noong May, tinanggap ng mga government workers ang unang bahagi ng kanilang bonus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.