Dagdag na tropa ng pamahalaan sa ilang lalawigan idinepensa ng Malakanyang
Idinepensa ng Malakanyang ang memorandum order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas na magdagdag ng tropa ng pamahalaan sa Samar, Negros Occidental, Negros Oriental at Bicol Region.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagtatalaga ng karagdagang mga tauhan ng AFP at PNP sa mga nabanggit na lugar ay bilang suporta dahil sa nararanasan aniyang “lawless violence”.
Ani Panelo ang sunud-sunod na pananambang sa mga uniformed personnel, pag-atake sa mga istasyon ng pulisya, panununog sa mga gamit, at masaker sa mga sibilyan ang dahilan ng kautusan ng pangulo.
Partikular na binanggit ni Panelo ang naganap na pananambang sa mga sundalo sa Samar na magahahatidlamang ng relief sa mga biktima ng bagyo.
Gayundin ang pag-atake sa istasyon ng pulis sa Lapinig at pag-atake sa mga tauihan ng 63rd Infantry Battalion sa Matuguinao.
Sa Negros, kabilang sa binanggit ni Panelo ang pag-masaker sa siyam na magsasaka sa Sagay.
Habang sa Bicol Regioon naman ay ang pananambang sa convoy ng direktor ng Food and Drug Administration.
Hindi aniya layon ng kautusan na i-takeover ang mga apektadong lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.