Pagpapalayas ng China sa news team ng GMA sa Panatag Shoal dapat iprotesta ayon sa mga senador

Tatlong senador ang nagsabi na dapat iprotesta ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawang pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa GMA 7 news team sa Panatag Shoal.

Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV malinaw na nasa teritoryo ng Pilipinas ang news team kayat hindi dapat palagpasin ang pambu-bully ng Chinese Coast Guard.

Aniya dapat ay maghain ng diplomatic protest ang DFA ukol sa pangyayari.

Iginiit naman ni Senador JV Ejercito na kondenahin ng gobyerno ang nangyari dahil hindi na ito nakakatuwa.

Para naman kay Senador Joel Villanueva magandang pagkakaton ang insidente para maigiit ang karapatan ng Pilipinas sa Panatag Shoal.

Pinalayas ng Chinese Coast Guard ang news team ni GMA 7 senior reporter Jun Veneracion na gumagawa lang ng documentary story dahil wala raw itong permiso mula sa Chinese government.

Read more...