Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo pinayagan ng Sandiganbayan na makabiyahe sa Turkey

By Isa Umali November 23, 2018 - 04:15 PM

Pinayagan ng Sandiganbayan si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na makalabas ng bansa para magtungo sa Turkey.

Dadalo si Floirendo sa 2nd Executive Council and 11th Plenary sessions of the Assembly mula November 27 hanggang December 3, 2018.

Kasama ng kongresista si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa isang linggong Turkey trip.

Batay sa pasya ng Sandiganbayan 6th division, pinagbigyan ang urgent motion for leave ni Floirendo.

Ipinaliwanag ng mambabatas sa korte na nakuha lamang niya ang imbitasyon para sa naturang biyahe noong November 19.

Mayroon namang travel authority na inilabas ang opisina ni Speaker Arroyo para sa biyahe, na siyang isinama ni Floirendo sa kanyang mosyon sa Sandiganbayan.

Si Floirendo ay nahaharap sa kasong graft, kaugnay sa umano’y kwestyonableng land lease deal ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. o TADECO sa Bureau of Corrections o BUCOR.

TAGS: Antonio Floirendo, sandiganbayan, Antonio Floirendo, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.