Nanguna ang mga photographers mula Pilipinas sa katatapos na APEC 2018 Photo Contest na isinagawa sa Papua New Guinea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) si Danilo Victoriano ang nanalo ng First Prize para sa kaniyang larawan na “Weave to the Webs,” habang ang isa pang Pinoy na si Glen Campanilla ay nagwagi ng Second Prize at Popular Choice Award para sa kaniyang piece na “Doors to the World”.
Ang ikatlong parangal ay nakuha ng Korean na si SeongJoon Cho para sa kaniyang larawan na “The Urban Connectivity”.
Ang larawan naman ng Pinoy na si Klienne Eco na mayroong titulong “The Wind Farm That Creates Jobs for Locals” ay nagwagi ng “Instagram Influencer Prize”.
Ang influencer award ay ipinagkakaloob sa photo entry na isinumite sa Instagram account ng APEC at gumamit ng hashtag na #APECPhotoContest at priorities hashtags na #Connectivity, #Sustainability, #RegionalIntegration, #InclusiveGrowth, at #DigitalFuture.
Ang APEC Photo Contest ay taun-taong idinadaos.