Pagdami ng dayuhang illegal workers sa bansa iimbestigahan ng Senado
Magsasagawa ng pagdinig ang senado kaugnay sa pagdami ng bilang ng mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa mahigit 70 Chinese Nationals na nagpapatakbo ng isang online gambling sa Pasig City.
Ayon kay Senator Joel Villanueva, chairman ng senate labor committee, mistulang hindi nasosolusyunan ang dumaraming bilang ng mga ilegal na dayuhang manggagawa sa bansa.
Sa pagkakadakip aniya sa malaking bilang ng mga Chinese ay malinaw na dapat rebisahin ang batas hinggil sa mga foreign workers at ang pagpapatupad nito.
Maliban dito, dapat din aniyang palakasin ang batas para mapatiligil ang online gambling at paglaganap ng mga ilegal na Chinese workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.