Sa notice of resolution, inatasan ng Korte Suprema ang Justice beat reporters na magpanukala ng guidelines na susundin sa courtroom access.
Partikular na inatasan ng SC ang mga miyembro ng Justice Reporters’ Association (JUROR) at Justice and Court Reporters’ Association (JUCRA).
Nag-ugat ang desisyon matapos hilingin ng isang Rappler reporter na payagan sila na i-cover ang paglilitis matapos silang pagbawalan ni Judge Lorna Navarro-Domingo.
Sinabi ng SC na hindi bababa sa apat na media members ang dapat payagang mag-cover at pipiliin sila sa pamamagitan ng draw lots.
Inatasan din ng SC ang Muntinlupa RTC na payagan sa courtroom ang mga mamamahayag kung ilan ang kaya na kayang i-accommodate ng pasilidad.
Hindi naman papayagan ang cameras at iba pang recording devices sa loob ng courtroom.