Raffle para sa pagkakasunud-sunod ng party-list group sa balota, itinakda na ng Comelec

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng raffle para matukoy ang magiging pagkakasunud-sunod ng pangalan ng mga party-list groups sa balota para sa 2019 midterm elections.

Batay sa Comelec Resolution #10448 ang raffle ay gaganapin sa December 5, alas 10:00 ng umaga.

Isasagawa ito sa Session Hall ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros Maynila.

Sa kabuuan mayroong 185 na party-list groups ang nagsumita ng kanilang certificates of nomination and acceptance o CONA mula October 11 hanggang Oct. 17.

Read more...