Dating vice governor ng Cavite naghain ng guilty plea sa paglabag sa SALN declaration

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2018 - 01:32 PM

Naghain ng guilty plea sa Sandiganbayan ang dating vice governor ng Cavite dahil sa maling deklarasyon nito ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Nagpasya ang Sandiganbayan 2nd Division na pagmultahin ng P5,000 si dating Cavite Vice Gov. Dencito Campaña sa kasong paglabag sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa kaniyang 2008 SALN, hindi isinama ni Campaña ang 1999 Toyota Revo na nakapangalan sa kaniya.

Pero lumitaw sa rekord na binili niya ang nasabing sasakyan noong 2007.

Sa inisyal na reklamo ng Ombudsman nais nitong managot sa perjury ang dating opisyal.

Pero inaprubahan ng Sandiganbayan ang hiling ni Campaña na sa paglabag sa RA 6713 lamang siya papanagutin matapos na hindi naman tumutol ang prosekusyon.

TAGS: Dencito Campaña, SALN, sandiganbayan, Dencito Campaña, SALN, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.