Sinibak lahat sa pwesto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 32 tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Pinas City Police.
Ito ay matapos ang insidente ng robbery-extortion.
Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon sa insidente at kasama sa sinibak ay ang hepe ng SDEU.
Ani Eleazar nangyari ang insidente ng pangingikil ng mga tauhan ng SDEU ng Las Pinas sa Cavite kung saan nag-demand umano ng pera ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng isang drug suspect.
Nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) pero bigo itong maaresto ang apat na pulis na sangkot.
Gayunman, isang 13 anyos na estudyante ang nahuli sa operasyon at ito ang tumukoy sa pagkakakilanlan ng mga pulis.