Bahagi ng isang restaurant sa NAIA T1 nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2018 - 10:53 AM

Nasunog ang bahagi ng arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), Biyernes (Nov. 23) ng madaling araw nang maganap ang sunog.

Sinabi ni MIAA public affairs head, Connie Bungag, nangyari ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw makaraang magkaroon ng short circuit sa exhaust fan ng isang restaurant sa ground floor ng terminal.

Ani Bungag mabilis namang naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher, pero may rumesponde pa ring mga bumbero sa lugar para masigurong hindi na sisiklab pang muli ang apoy.

Inaalam na ngayon ng pamunuan ng MIAA ang posibilidad na may problema sa linya ng kuryente kaya nangyari ang sunog.

TAGS: fire incident, NAIA, terminal 1, fire incident, NAIA, terminal 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.