Kaso ng Maguindanao massacre, personal kay Pangulong Duterte
Personal kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng Maguindanao Massacre.
Inalala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na noong alkalde pa lamang ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte ay siya ang unang nahingian ng tulong nang mangyari ang masaker.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, nagpadala noon ng helicopter ang pangulo na nagresulta sa mabilis na pagkakatuklas sa lugar na dapat ay paglilibingan sa mga bangkay.
Ani Andanar, kung hindi dahil sa mabilis na pagpapadala noon ng chopper ng pangulo maaring nailibing na ng tuluyan ang mga biktima at hindi na nahanap pa.
Samantala, makalipas ang siyam na taon matapos mangyari ang massacre, tinungo ni Andanar ang ground zero, o ang lugar kung saan nakita ang mga bangkay.
Aniya, malinaw na pagyurak sa malayang pamamahayag ang nangyari sa Maguindanao Massacre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.