Bayaw ni DILG Usec. Diño arestado sa buy-bust sa Marikina
Naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Marikina City ang bayaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño.
Kinilala ng Marikina Police ang naarestong suspek na si Emmanuel Bautista, 52-anyos.
Nakapiit ngayon si Bautista at sinampahan ng kaso kaugnay ng pagbebenta ng iligal na droga.
Maliban kay Bautista, dalawang iba pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa operasyon sa Barangay Concepcion Dos.
Sinabi naman ng Marikina Police na kinumpirma sa kanila mismo ni Usec. Diño na kapatid ng kaniyang misis si Bautista.
Tiniyak ni Diño na hindi siya makikialam sa kaso ng kaniyang bayaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.