Pulis na nakaalitan ng pamilyang minasaker sa QC, nakatalaga sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2018 - 08:35 AM

Contributed photo

Tukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan ng pulis na nakaalitan ng pamilyang minasaker sa Barangay Bagong Pag-asa sa nasabing lungsod.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni QCPD director, Chief Supt. Joselito Esquivel na sa Caloocan Police at hindi sa Quezon City nakatalaga ang nasabing pulis.

Gumagawa na aniya ng hakbang ang QCPD para makausap ang immediate superior ng pulis at para makaugnayan ito ng mga otoridad.

Pinagbabaril hanggang sa masawi ang mag-asawang Romeo Sr. at Christine Ado at kanilang binatilyong anak na si Romeo Jr.

Sinasabing may nakaalitan na pulis ang mag-anak na Ado at kinasuhan pa nila ang naturang pulis.

Ayon kay Esquivel maliban sa naturang pulis ay tinitignan din nila kung mayroon pang ibang suspek sa krimen.

 

TAGS: barangay bagong pag-asa, massacre, quezon city, barangay bagong pag-asa, massacre, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.