Temperatura sa Eastern US bumagsak; pinakamalamig sa kasaysayan ng pagdiriwang ng Thanksgiving

Bumagsak ang temperatura sa pinakamababa sa kasaysayan ng pagdiriwang ng Thanksgiving sa Amerika.

Naitala ang mababang temperatura sa maraming lugar ng eastern USA habang ipinagdiriwang nila ang Thanksgiving.

Sa Buffalo sa New York City, naitala ang 10 degrees na maituturing nang pinakamalamig sa kasaysayan ng Thanksgiving dahil huling nakapagtala ng ng mababang temperatura noon pang 1871 na 12 degrees.

Sa Saranac Lake bumagsak sa negative 4 degrees ang temperatura at negative 6 sa Watertown.

Sa kaniyang tweet sinabi ni US Pres. Donald Trump na ito na ang pinakamalamig na panahon sa kasaysayan ng Thanksgiving Day Parade sa New York City.

Read more...