EcoWaste Coalition ikinalugod ang mabilis na pagkilos ng SoKor ukol sa itinambak na basura sa Mindanao

By Isa Avendaño-Umali November 23, 2018 - 02:00 AM

“Kamsahamnida o maraming salamat.”

Ito ang mensahe ng grupong Ecowaste Coalition sa gobyerno ng South Korea dahil sa naging mabilis na aksyon nito sa mga basurang itinambak sa Misamis Oriental.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowate Coalition, nakatanggap sila ng email mula sa Embahada ng Korea na nagsasaad na kumilos na ang SoKor government ukol sa kontrobersiya sa mga basura na inimport sa Pilipinas.

Sinabi ni Lucero, ikinalulugod ng kanilang grupo na pinili ng SoKor na gawin ang tama, irespeto ang ating bansa, at huwag gawing waste bin.

Nangako rin aniya ang gobyerno ng South Korea na ibabalik sa kanilang bansa ang mga basura sa lalong madaling panahon.

Hindi rin maiwasang ikumpara ng grupo ang tugon ng SoKor sa isyu sa kalat ng Canada, na hanggang ngayon ay tila dedma at nananatiling nasa ating bansa.

Pero hiling ni Lucero, sana ay huwag nang maulit pa ang sitwasyon itatambak na naman sa Pilipinas ang mga basura.

Mananatili namang mapagmatyag ang Ecowaste Coalition hangga’t tuluyan nang nakabalik sa SoKor ang mga basura, at mapanagot ang responsable sa illegal shipments ng mga basura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.