Lockdown sa Metro Manila sa state visit ni Chinese President Xi Jinping, understandable ayon sa Malacañan

Malacanan Photo

Nanindigan ang Palasyo ng Malacañan na kauna-unawa ang pagsasara ng ilang kalsada sa Metro Manila para sa dalawang araw na state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinakailangan kasi na tiyakin ang seguridad ni Xi na isang lider mula sa makapangyarihang bansa.

Giit pa ni Panelo, ano ba naman ang dalawang oras na abala kung ikukumpara sa matinding trapik na naranasan nang bumisita sa bansa noon si Pope Francis kung saan inabot ng walo hanggang sampung oras sa kalsada ang mga motorista.

Una rito, nagturuan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Presidential Security Group (PSG) sa pag-ako sa unannounced na pagsasara ng mga kalsadang dinaanan ni Xi.

Read more...