Tiniyak ng Palasyo ng Malacañan na maipapasa sa itinakdang panahon ang 2019 national budget.
Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ng Kongreso na posibleng magkaroon ng reenacted at bahagyang maantalaang budget dahil sa Enero pa ng susunod na taon maaaring masimulan ang deliberasyon nito.
Ayon kay Presdiential Spokesperson Salvador Panelo, kumikilos na ngayon ang Presidential Legislative Liaison Office para kausapin ang Kongreso.
Tiniyak naman ni Panelo na walang nakasingit na pork barrel funds sa pambansang pondo.
Ipinauubaya na rin ng Palasyo kay Budget Secretary Benjamin Diokno ang pagkwestyon sa belated requests umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag budget para sa kanyang cabinet members.
MOST READ
LATEST STORIES