Pangulong Duterte iginiit na hindi siya galit kay Senador Pangilinan

INQUIRER FILE

Susuntukin umano nang harapan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Francis Fangilinan kung may galit itong personal sa senador.

Sa 35th founding anniversary ng Army Reserve Command (ARESCOM) sa Cavite, nilinaw ng pangulo na wala siyang personal na galit kay Pangilinan.

Katunayan, sinabi ng pangulo na mayroon siyang utang na loob kay Pangilinan dahil nang mag-birthday noon ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ay hiniling nito na makasama sa dinner at makasama sa kantahan ang kanyang idolo na si Sharon Cuneta na asawa ni Pangilinan.

Ang ikinadidismaya lamang ng pangulo kay Pangilinan ay dahil sa isinulong nitong batas na juvenile justice law na nagpababa ng pananagutan sa krimen ng mga bata.

Sa ilalim ng naturang batas, tanging ang mga bata na edad kinse anyos pababa ang ligtas sa anumang criminal liability kahit na anong krimen ang kanilang nagawa.

Read more...