Kandidata ng Japan isusuot ang Sailor Moon costume para sa National Costume Competition ng Miss U

By Justinne Punsalang November 23, 2018 - 12:57 AM SHARE(S):
Yuumi Kato

Upang katawanin ang Japan sa Miss Universe National Costume Competition ay isusuot ng kanilang kandidata ang costume ng isa sa iconic Japanese manga character na si Sailor Moon.

Sa personal Instagram account ni Miss Universe Japan Yuumi Kato, ipinakita nito ang kanyang national costume.

Sa caption, ipinaliwanag ni Yuumi na ang Sailor Moon costume ay repersentasyon ng makabagong kultura sa Japan.

Sa hiwalay na post ng kandidata, hindi nito napigilang iparating ang kanyang excitement para sa finals ng pageant.

Samantala, hindi pa inilalabas ng pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ang kanyang national costume.

Magaganap ang coronation night ng Miss Universe sa December 16 sa Thailand.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.