Xi nagpasalamat kay Duterte sa mainit na pagtanggap sa kanya sa bansa

Isang appreciation letter ang ipinaabot ni Chinese President Xi Jinping para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inilabas ng Chinese embassy sa Maynila ang sulat.

Sa nasabing liham, pinasalamatan ng Chinese leader si Duterte sa pagkakaibigan at naging mainit na pagtanggap na kanyang naranasan sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Masaya rin anya siya na naging makabuluhan ang kanyang pagbisita kung saan maraming napagkasunduan para mapalalim ang ugnayan ng China at Pilipinas at nalagdaan din ang ilang mga dokumento.

“We had in-depth exchange of views, reached important agreement on our bilateral relations and issues of shared interest, and witness the signing of a series of cooperation documents. I am truly pleased with the fruitful outcomes of this visit,” ani Xi.

Ikinatuwa rin ni Xi ang sinseridad at determinasyon ni Duterte na mapaganda ang relasyon ng Pilipinas sa China maging ang pagtutulak sa pagkakaibigan ng mga mamamayang Filipino sa mga Chinese.

“During the visit, I was once again deeply touched by your sincerity and determination to grow our bilateral relations and by the friendly sentiment of the Philippine people toward the Chinese people,” dagdag ng lider.

Umaasa si Xi na uunlad pa ang pagkakaibigan ng China at Pilipinas at hiling niya anya ang maayos na kalusugan ni Duterte.

Ang pagbisita ni Xi sa bansa ay ang kauna-unahang pagbisita ng Chinese president sa loob ng 13 taon.

Read more...