Rider patay sa engkwentro sa mga pulis sa Bulacan

By Justinne Punsalang November 23, 2018 - 04:32 AM

Wala pang pagkakakilanlan ang isang lalaki na nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa mga otoridad, nagsasagawa sila ng Oplan Sita sa lugar nang matiyempuhan ang motorcycle rider na walang suot na helmet.

Pinara ng mga otridad ang lalaki ngunit imbes na huminto ay agad itong bumunot ng kalibre .38 baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ng rider.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang baril ng suspek na kargado ng mga bala at apat na sachet ng shabu,

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng napatay na rider.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.