Electric cooperative, sinita ng kongresista dahil sa pag-blackmail sa mga consumer

By Erwin Aguilon November 22, 2018 - 09:09 PM

Binatikos ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang sinasabing pananakot ng Panay Electric Company sa mga consumer at pagpasa nito ng sisi sa Kongreso sa posibleng power blackout sa Iloilo City dahil sa hindi pag-renew ng kanilang prangkisa.

Iginiit ng kongresista na mali ang ginagawang pananakot ni PECO Legal Counsel Inocencio Ferrer.

Hindi aniya kasalanan ng mga consumer at ng mga mambabatas kung hindi ma-renew ang prangkisa ng PECO dahil ang renewal ng congressional franchise ay ibinibigay sa kumpanya na may maasahang serbisyo.

Dagdag pa ng kongresista na hindi maaring i-hostage ng PECO ang consumers nito at ang Kongreso sa dahilan na sila lang ang may solong may hawak ng prangkisa para sa power distribution sa Iloilo.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na sa kabila ng bantang ito ng PECO, natitiyak daw nilang hindi magkakaroon ng malawakang blackout.

TAGS: DOE, erc, Iloilo, Kuryente, peco, Rep. Gus Tambunting, DOE, erc, Iloilo, Kuryente, peco, Rep. Gus Tambunting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.