Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.5 na lindol
By Angellic Jordan November 22, 2018 - 09:07 PM
Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Oriental, Huwebes ng gabi.
Batay sa impormasyon mula sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 125 kilometers Southeast ng bayan ng Governor Generoso dakong 7:17 ng gabi.
May lalim ang lindol na 199 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na nasira sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.