Mga pulis binantaan ni Duterte na sasagasaan kapag nakita sa mga casino

Inquirer file photo

Dismiss sa serbisyo ang kakaharapin ng mga pulis na mamataaang tumatambay o pumapasok sa Okada Hotel o sa iba pang casino sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal sa bayan ng Tanza, sinabi nito na kapag mayroon pang isang insidente na tumatambay ang mga pulis o police car sa mga pasugalan kanya itong sasagasaan o ipatatawag ang Army Ranger para magsagawa ng pagpapatrulya sa lugar.

Kapag nagkasalubong aniya ng landas ang operatiba ng army at pulis, bahala na silang magbarilan.

Sinabi pa ng pangulo na sinasamantala ng mga pulis ang kidnapping sa lugar.

Dinudukot aniya ang mga nagsusugal sa lugar at hihingan ng pera.

Kapag aniya nagbayad na ay saka pakakawalan ang  bihag habang may mga pagkakataon na pinapatay pa.

Pinalalala lamang aniya ng mga pulis ang problema sa mga lugar na may mga pasugalan.

Ayon sa pangulo, ayaw niyang makita ang mga pulis.. naka uniform o naka silbiyan man sa mga lugar na may sugalan.

Read more...