Naglabas ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng larawan matapos maplantsa ang mga isyu kaugnay ng ABS-CBN teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” kasunod ng pulong kay Coco Martin na gumaganap sa bidang pulis na si Ricardo Dalisay.
Sa larawan na ibinahagi ni DILG Spokesperson Asst. Sec. Jonathan Malaya, makikita sina Interior Sec. Eduardo Año, PNP Chief for Administration Deputy Dir. Gen. Fernando Mendez Jr., at si Coco matapos ang kanilang meeting noong Miyerkules.
Nagpulong ang mga opisyal at ang kampo ng produksyon ng “Ang Probinsyano” matapos madismaya mismong si PNP chief Director General Oscar Albayalde dahil sa umanoy masamang pagsasalarawan sa kanya at sa mga pulis.
Una rito ay naglabas ng joint statement ang DILG at ABS-CBN matapos mapagkasunduan na tuloy ang pag-ere ng “Ang Probinsyano” at magiging conscious na ang produksyon sa imahe ng PNP sa paglalahad ng sikat na TV series na si Coco rin ang Director.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.