San Agustin Church tiniyak na di apektado sa itatayong tulay sa Intramuros
Nilinaw ng Malacañang na hindi hahayaan ng gobyerno na masasagasaan ng itatayong tulay na popondohan ng China ang buffer zone ng San Agustin Church sa Intramuros, Maynila ay tatlo pang baroque churches na nasa listahan ng UNESCO world heritage site.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay para matiyak na hindi matatanggal sa listahan ng UNESCO world heritage site ang San Agustin kasama ang baroque chruches na San Agustin Church sa Paoay, Ilocos Norte; Nuestra Señora Dela Asuncion sa Santa Maria, Ilocos Sur, at Santo Tomas De Villanueva sa Miag-ao, Iloilo.
Ang apat na nabanggit na simbahan ay Baroque churches of the Philippines o ang mga makalumang simbahan na sama-samang kinilala ng UNESCO bilang world heritage site noong 1993.
Kapag natanggal sa listahan ang San Agustin church sa UNESCO world heritage site ay otomatikong susunod din na matatanggal ang tatlong simbahan.
Ayon kay Panelo, maari namang ituloy ang proyekto bahagyang ilayo ang pagtatayo ng China ng tulay para hindi maapektuhan ang buffer zone ng San Agustin Church.
“Because if it will, then certainly it is right to object. Not necessarily not push through because you may move the locations to maybe 100 meters away. I don’t think that will be a problem”, paliwanag ng kalihim.
Ang tulay na popondohan ng China ay magmumula sa Binondo hanggang sa Plaza Mexico sa Intramuros at aabot hanggang sa bahagi ng Bureau of Immigration sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.