Patay ang isang lider at dalawang miyembro ng gun-for-hire group matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa isang checkpoint sa Taysan, Batangas.
Naganap ang engkwentro alas 9:15 ng umaga ng Huwebes (Nov. 22) sa Barangay Bilogo.
Ayon kay Calabarzon Police Director Superintendent Edward Carranza, ang mga nasawi ay pawang mula sa Solomon Panal Group na sangkot sa gun-for-hire at robbery incidents sa Batangas, Bulacan, Pampanga at maging sa Metro Manila.
Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang mga armas.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insindente.
MOST READ
LATEST STORIES