Bagyong Samuel lumakas pa; nakataas na tropical storm warning signals inalis na ng PAGASA

Lumakas pa ang Bagyong Samuel habang ito ay nasa bahagi ng Philippine Sea.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 240 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Inalis naman na ng PAGASA ang lahat ng umiiral na storm warning signals sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo mamayang gabi.

Read more...