Nomination ni Senator Gringo Honasan sa DICT inilabas na ng Malakanyang

By Chona Yu November 22, 2018 - 10:50 AM

Inilabas na ng Malakanyang ang nomination paper ni Senador Gringo Honasan para maging bagong kalihim ng Department of Information and Communicatons Technology (DICT).

November 20, 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nomination ni Honasan.

Papalitan ni Honasan si DICT Acting Secretary Eliseo Rio.

Gayunman, dadaan pa sa Commission on Appointments si Honasan.

Si Honasan ay inilagay sa DICT eksakto sa timing ng pagpasok ng ikatlong player ng telecommunication sa bansa.

Ang Mislatel ang nanalong bidder para sa ikatlong kumpanya ng telecommunication na mag-ooperate sa bansa sa lalong madaling panahon.

TAGS: dict, gringo honasan, dict, gringo honasan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.