DFA consular office sa Antipolo, binuksan na
Binuksan na ang bagong consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Antipolo.
Matatagpuan ang DFA office sa SM Cherry Antipolo sa Barangay Mayamot.
Kahapon pormal na pinasinayaan ang bagong consular office at mula ngayong araw pwede nang magpa-appointment online.
Dahil sa bagong consular office, ang mga residente ng Antipolo at karatig na mga bayan ay may mas malapit nang opsyon para magproseso ng kanilang pasaporte.
Huwebes (Nov. 22) ng umaga ay December 3 ang pinakamaagang available date na pwedeng magpa-appointment para sa passport processing sa Antipolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.