Endangered na hawksbill sea turtle natagpuan sa Basilan

Photo: Basilan City CENRO

Isang hawksbill sea turtle ang natagpuan ng dalawang mangingisda sa karagatang sakop ng Lamitan City sa Basilan.

Ang naturang uri ng pawikan ay itinuturing nang endangered.

Ang pawikan ay nahuli sa bahagi ng Barangay Bulanting ng mga manginginsdang sina Wahab Aligaddong at Ayong Dalpaki.

Agad naman nilang dinala ito sa Maritime Police Precint at ito ang nag-turnover ng pawikan sa City Environment & Natural
Resources Office ng Lamitan City.

Matapos masuri ng CENRO, agad ding ibinalik sa karagatan ang pawikan.

Read more...