Leatherback sea turtle na may bigat na 500 kilo napadpad sa CamSur
Isang leatherback sea turtle na may bigat na 500 kilo ang natagpuan ng mga mangingsda sa karagatang sakop ng Barangay Duran, Balatan sa Camarines Sur.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang babaeng pawikan ay buhay na buhay at may habang 1.75 meters.
Mas malaki pa ito kumpara sa pawikan na natagpuan sa luhar noong July 20, 2018 sa pareho ding barangay.
Ang leatherback sea turtle ay pinamalaki at pinamabigat na uri ng pawikan.
Itinuturing na rin ito bilang “vulnerable” dahil sa mabilis na pagkaubos ng kanilang populasyon.
Ayon sa BFAR ang bayan ng Balatan ay maituturing nang “hotspot for marine turtles” dahil madalas na may napapadpad na pawikan sa lugar.
Matapos masuri at matiyak na maayos ang kondisyon ng pawikan ay ibinalik na ito sa malalim na parte ng karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.