Binalaan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga nagsasagawa ng ‘self medication’ partikular na ang pag-inom ng mga antibiotics.
Paalala ni Duque ang pag-inom ng antibiotics ng hindi sumasangguni sa duktor ay maaring mauwi sa ‘antimicrobial resistance.’
Aniya maging ang World Health Organization (WHO) ay naaalarma na sa ‘antimicrobial resistance’ o ang kakayahan ng mga micro-organisms na labanan ang epekto ng antibiotics, antivirals at antimalarials.
Paliwanag ni Duque, inilalagay sa kompromiso ng ‘antimicrobial resistance’ ang kakayahan na magamot ang mga delikadong sakit.
“Tanggalin natin yung self-medication behavior. Hangga’t maari, sumangguni tayo sa lahat po ng pampublikong pagamutan, o kung kakayanin, sa mga pribadong pagamutan at kumuha po ng tamang reseta, at siguraduhin na buuin ang pag-inom nung niresetang gamot,” payo ng kalihim.
Ito rin ang payo ni WHO Representative to the Philippines Dr. Gundo Weiler at aniya napakahalaga din na hindi ipainom sa iba maging sa kapamilya ang iniinom ng antibiotic.