Manila Water nakipagkasundo sa provincial government ng Rizal para sa Toka Toka program
Papalakasin pa ng Manila Water ang kanilang programa na Toka Toka campaign sa lalawigan ng Rizal.
Kasunod nito ang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng local government ng Rizal para sa pagpapaigting ng samahan.
Ang Toka Toka program ay isang environmental campaign na tutumututok sa water management , pangangalaga sa kalikasan at gawing ligtas ang mga ilog at estero sa lalawigan.
Sa ilalim ng programa ang mga LGU sa Rizal ay naka-toka na magpatayo ng proyekto para sa solid waste management .
Isang anim na kilometrong pipeline ang ilalatag ng Manila Water sa Poblacion ng Antipolo city.
May kapasidad ang sewage system na ito na sumalo at maglinis ng 16 million liters ng water waste kada araw.
Nangangahulugan na sasalain ng treatment plant ang mga used water sa mga residente at establisyimento sa halip na maitapon sa pamosong Hinulugang Taktak at sa kadugtong na mga ilog dito.
Bawat indibidwal naman at entities ay may tungkulin na mag-ambag ng kanilang ‘toka’ tulad ng kusang paglilinis ng kanilang septic tank sa kada limang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.