Ito ang sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez, batay na rin sa bago nilang resolusyon 10013.
Sa pulong-balitaan, nilinaw ni Jimenez na ikukunsidera ng komisyon na payagang makaboto sa 2016 Elections ang mga botante kung lilitaw na hindi nakumpleto ang biometrics registration dahil pumalya ang kanilang biometrics data o ‘na-corrupt’ ang kanilang biometrics.
May ilan aniyang botante ang nakapag-parehistro ngunit hindi nakumpleto ang pagpapakuha ng biometrics data dahil sa problema sa equipment o iba pang dahilan.
Ang mga ito aniya ay papayagang makaboto at maaring kumpletuhin ang pagpapakuha ng biometrics sa hinaharap.
Gayunman, nilinaw na para sa mga hindi talaga nakahabol sa biometrics registration ay tuluyan na silang matatanggal sa listahan ng mga boboto sa susunod na eleksiyon.
Naniniwala aniya ang komisyon na sa pamamagitan ng naturang bagong resolusyon ay mababawasan pa ang bilang ng mga hindi makakalahok sa halalan.