Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan nabawasan na
Habang papalayo ang bagyong Samuel, bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, alas 4:00 ng umaga ng Huwebes, 432 na mga pasahero na lang ang stranded sa iba’t ibang pantalan.
Mayroon ding stranded na 57 rolling cargoes, 19 na barko at 23 motorbancas.
Kabilang sa mga pantalan na nakapagtala pa ng mga stranded na pasahero ang mga sumusunod:
Federation Manila Port, Pasig City – 7
Real Port, Quezon – 62
Lapuz Wharf, Iloilo – 75
Botongon Port, Iloilo – 39
Culasi Port, Capiz – 10
Caticlan Jetty Port, Aklan – 142
Cagban Jetty Port, Aklan – 30
Algeria Port, Aklan – 18
Pasacao Port, Camarines Sur – 43
Inaasahang ngayong maghapon tuluyan pang mababawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.