PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco sa Quezon City, Antipolo, Bulacan, at Cavite

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Quezon City, Antipolo, Bulacan, at Cavite.

Sa Quezon city, alas 9:30 ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Green Meadows Subdivision sa Barangay Ugong Norte.

Sa Antipolo City sa Rizal, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption na makaaapekto sa Blue Mountains Residential and Commercial Estates Subd. sa Barangay Sta. Cruz at sa bahagi ng Barangay Dila.

Sa Bulacan, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Meycauayan City at sa mga Barangay Kaypian at Santo Cristo sa San Jose Del Monte City.

Parehong oras din ang power interruption sa Cavite na makaaapekto sa Barangay Tolentino East at Francisco sa Tagaytay City at sa mga Barangay Puting Kahoy, Tartaria, Pulong Bunga, Pasong Langka, Lumil, Hoyo, Carmen, Pooc I, Toledo at Ulat sa Silang.

Read more...