Dagdag sahod sa Metro Manila epektibo na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2018 - 07:59 AM

Epektibo na mula ngayong araw ang dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Simula ngayon, Nov. 22, araw ng Huwebes, P537 na ang minimum wage para sa mga manggagawa sa NCR na nasa non-agriculture sector.

Ang mga nasa sektor naman ng agrikultura, mga retail establishment na mayroon lamang 15 pababa na manggagawa,at mga manufacturing establishment na may 10 pababa na empleyado ay P500 ang minimum wage.

Ngayong epektibo na ang dagdag sahod sa NCR, dapat ay mag-reflect na ito sa susunod na sweldo ng mga manggagawa.

TAGS: Metro Manila, minimum wage, wage hike, Metro Manila, minimum wage, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.