EO na lilikha sa Office of the Press Secretary pinag-aaralan na ni Duterte

By Chona Yu November 22, 2018 - 07:42 AM

Nirerebisa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng executive order na lilikha ng Office of the Press Secretary.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, dumaan na sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang naturang EO.

Sakaling malagdaan na ang EO, malulusaw na ang PCOO at papalitan ng Office of the Press Secretary.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Andanar na si dating Congressman Gilbert Remulla ang napipisil ni Pangulong Duterte na maging secretary.

Ayon kay Andanar, wala lang abiso ang pangulo kung sino ang magiging press secretary.

Gayunman, sinabi ni Andanar na welcome naman sa kanya kung si Remulla ang maging press secretary.

Kwalipikado naman aniya si Remulla sa naturang pwesto lalo’t dati na siyang mamamahayag at nagtapos pa sa Columbia University sa America.

TAGS: Executive Order, Office of the Press Secretary, Executive Order, Office of the Press Secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.