Retrieval operation sa Natonin tatapusin na ngayong araw, 6 pa ang nawawala

Photo: Mt. Province PDRRMO

Ngayong araw na ang huling araw ng search and retrieval operation sa landslide na naganap sa Natonin, Mt. Province.

Isang misa muna ang idaraos sa ground zero alas 7:00 ngayong umaga na dadaluhan ng lahat ng miyembro ng search and retrieval teams.

Susundan ito ng almusal at full blast na search and retrieval operation.

Pagkatapos ng huling araw ng retrieval operation ngayong araw, ang lahat ng miyembro ng team ay maari nang lumisan sa ground zero at umuwi sa kani-kanilang mga lugar.

Nagsimula naman na ang day of mourning sa Natonin kaninang alas 12:00 ng hantinggabi at tatagal hanggang mamayang alas 12:00 rin ng hatinggabi.

Read more...